MANILA – Kinuwestyon ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘timing’ ng pagtestigo ng tatlong IT experts sa senado kaugnay sa umanoy dayaan sa eleksyon.Kahapon ay sumulpot sa senado ang tatlong testigo na lumapit kay Pastor Boy Saycon para tulungan silang makaharap sa media.Sa interview ng RMN kay Comelec Chairman Andres Bautista, sinabi niya na tatlong linggo nang nakalipas ang botohan pero lumabas lang ang mga ito nang ipo-proklama na ang mga nanalo sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo ng bansa.Binanggit ng tatlong IT experts na may hawak silang SD cards na mayroong lamang mga datos ng boto na ibinigay nila sa Smartmatic na nag-transmit naman ng datos sa transparency server.Isa sa mga testigo ang nagsilbing logistics officer… habang ang isa ay encoder at programmer naman ang isa pa.Kaugnay nito, tiniyak ni Bautista na tuloy-tuloy ang kanilang Random Manual Audit (RMA) katuwang ang NAMFREL kung saan inaasahang lalabas ang resulta nito sa ikalawang linggo ng Hunyo.
‘Timing’ Sa Paglutang Ng Tatlong It Experts Na Testigo Sa Umanoy Dayaan Noong Botohan, Kinuwestyon Ng Comelec
Facebook Comments