Timor Leste court, hindi ulit pinagbigyan ang hiling ni Arnie Teves na harangin ang kaniyang extradition request

Muling kinatigan ng Timor Leste ang hiling ng Pilipinas na mapauwi sa bansa si dating Negros Oriental 3rd District Representative Arnolfo Teves Jr.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), hindi pinagbigyan ng Timor Leste court ang apela ng kampo ng dating kongresista na huwag ituloy ang extradition sa kaniya.

Si Teves ay nahaharap sa patung-patong na kaso at itinuturong utak ng pagpaslang kay dating Governor Roel Degamo at siyam pang indibidwal.


Nagpapasalamat naman ang kagawaran sa desisyon na ito ng Timor Leste court na patunay na gumagana raw nang maayos ang kanilang justice system.

Sabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, tagumpay ito ng mga Pilipino at patunay na ginagawa ng gobyerno ang lahat para makamit ang katarungan.

Facebook Comments