Manila, Philippines – Pinaiimbestigahan ng MAKABAYAN sa Kamara ang paggamit ng PNP ng Long Range Acoustic Device o LRAD para itaboy ang mga raliyistang nagprotesta noong ASEAN Summit.
Sa inihaing House Resolution 1481 ng MAKABAYAN Bloc, kinukundina ang paggamit ng PNP ng LRAD dahil maski sa ibang bansa ay tinututulan ito dahil paglabag ito sa malayang pamamahayag.
Ang paggamit ng LRAD ay naging sagabal umano sa karapatan ng mga Anti-Duterte protesters na makapagpahayag.
Nagdulot din ito ng panganib sa kalusugan ng mga raliyista dahil sa malakas na tunog ng LRAD.
Dito sa bansa, simbolo ito ng intensyon ng gobyerno na lunurin sa ingay ang sentimyento ng mga kritiko ni Pangulong Duterte.
Facebook Comments