TINADTAD NG BALA | Lalaki, patay sa pamamaril

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang lalaki sa Kalusugan Street, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Jeric Tabardilla, 36-anyos na sangkot umano sa iligal na droga.

Sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD Station, nakatambay lang ang biktima sa harapan ng kanilang bahay ng lapitan ng dalawang lalaki na nakatakip ang mukha.


Dito, tinadtad ng bala si Jeric at nang masigurong patay na agad tumakas ang dalawang suspek sakay ng motorsiklo.

Narecover sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng 9mm at kalibre 45 na baril.

Dati nang ni-raid ang bahay ni Tabardilla pero nakatakas lamang siya sa operasyon ng mga otoridad.

Facebook Comments