TINAGA | 3 daliri, nalagas matapos pagtatagain ang isang lalaki ng kanyang kainuman

Capiz – Naputol ang tatlong daliri ng isang lalaki matapos pagtatagain ng kanyang kainuman sa Barangay Batabat, Maayon, Capiz.

Kinilala ang biktima na si Efren Dumagpi, 48-anyos ng Barangay Indayagan ng nasabing bayan.

Nabatid na nagtalo ang biktima at ang suspek na si Pio Lopez hinggil sa kanilang ani na tubo.


Ngunit nagalit si Lopez at pinagtataga nito ang biktima ng ilang beses kung saan nagtamo ito ng maraming sugat sa katawan at naputol pa ang tatlong daliri.

Kaagad na tumakas ang suspek matapos ang krimen habang patuloy na ginagamot sa pagamutan ang biktima.

Facebook Comments