Pangasinan – Arestado ang isang babaeng may diperensiya sa pag-iisip matapos tagain ang isang barangay kagawad sa San Carlos City, Pangasinan.
Sa ulat, nakikipag-inuman ang biktimang si kagawad Ronaldo Ferrer ng Barangay Cobol nang dumating ang suspek na si Raquel Soriano.
Bigla na lamang nagulat ang kagawad ng biglang naglabas ng itak ang suspek kung saan hindi na siya nakaiwas kaya at dalawang beses siyang nataga sa ulo.
Agad na isinugod sa ospital ang biktima na kasalukuyang inoobserbahan habang nakakulong na ngayon ang suspek at hindi naman makausap ng maayos kaya hindi pa rin tukoy ng mga otoridad ang motibo nito sa krimen.
Facebook Comments