TINAGA | Isang ginang, sugatan matapos tagain sa mukha ng kaniyang mister

Basilan – Sugatan ang isang ginang matapos na tagain sa mukha ng kaniyang mister makaraang magka-alitan sa Barangay Sukaten, Sumisip, Basilan.
Ayon sa ulat, nagtamo ng mga grabeng sugat mula sa pananaga ng kanyang mister ang biktimang si Mara Tiyarul.
Dahil dito, pinagbabaril hanggang sa mapatay ang suspek na mister na si Lasari Lantasan ng kanilang pamangkin.
Hindi naman matukoy ng PNP ang pagkakakilanlan ng pamangkin kung saan nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon sa naturang pangyayari.

Facebook Comments