Atimonan, Quezon – Patay ang isang lalaki matapos tagain at saksakin ng dating kalaguyo ng asawa nito sa Barangay San Andres Labak, Atimonan, Quezon.
Sa ulat, nasa bahay ang biktimang si Angelito Lacerna nang biglang dumating ang armadong suspek na si Jimmy Rocha.
Kaagad inundayan ng taga at sinasak ng suspek ang biktima kung saan mabilis itong tumakas matapos ang insidente.
Nagtamo naman ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kaniyang katawan ang biktima na agad pang itinakbo sa ospital pero namatay din habang ginagamot.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga otoridad at pinaghahanap na din ang nasabing suspek.
Facebook Comments