Tinaguriang ‘Bahay Aliwan’ sa Airport Road, Aalisin na ng LGU Cauayan

3892

*Cauayan City, Isabela- *Asahan na umano sa susunod na taon na maililipat ang tinaguriang ‘Bahay Aliwan’ sa kahabaan ng Airport Road na sakop ng Brgy. San Fermin, Cauayan City, Isabela.

Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay Brgy. Kagawad Leonar Adam, kasalukuyan na ang isinasagawang konstruksyon ng bagong lugar na paglilipatan sa lahat ng bahay aliwan sa naturang barangay ngunit ito ay maililipat sa boundary ng San Fermin-Luna Road.


Dagdag pa nito na souvenir shop ang magiging alternatibong pamalit sa lugar na bilang bahagi ng mas maunlad na barangay at dahil na rin ito ay malapit sa airport kung saan ilan sa mga nagbabalak bumisita sa lungsod ay higit na mabibigyan ng maayos at produktibong pasyalan.

Patuloy naman ang gagawing hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Cauayan at Brgy. Council ng San Fermin upang mapanatili ang magandang imahe sakaling bumisita ang ilang turista sa lungsod.

PhotoCourtesy: ceipo.cityofcauayan.gov.ph

Facebook Comments

From Advertisers