Tinaguriang Bilibid 19, nagbabalang babaligtarin ang kanilang testimonya laban kay Senadora Leila de Lima kapag ibabalik sila sa Bilibid

Manila, Philippines – Nagbabala ang walo sa tinaguriang ‘Bilibid 19’ na babaligtarin nila ang naging testimonya nila noon laban kay Senador Leila de Lima.

Ito ay kung ipatutupad ang utos ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre na ibalik na sila sa Bilibid.

Sabi ni Atty. Francis Acejas III, hindi malabong gawin nga ito ng mga high-profile inmate at kapag nagkataon, mas malaking problema ito.


September 2016 nang tumestigo laban kay de Lima ang mga drug lord kaugnay ng pagkakasangkot nito sa transaksyon ng droga sa Bilibid.

Kabilang sa mga umaalma ngayon sa utos ni Aguirre sina Hans Tan, Peter Co, Jojo Balidag, Vicente Sy at Froilan Trestiza.

Sabi pa ni Acejas – nasa mas malaking panganib ang buhay ng mga inmate dahil na rin sa pakikipagtulungan ng mga ito sa gobyerno sa ilalim ng “Oplan Pagbabago”.

Facebook Comments