Tinaguriang "French Spiderman" na si Alain Robert, arestado matapos umakyat sa isang gusali sa Makati City

Manila, Philippines – Dinakip ng mga otoridad ang tinaguriang “French Spiderman” na si Alain Robert.

Ito ay makaraang magdulot ng tensyon sa publiko ang pag-akyat ng 56-year old freeclimber sa gt tower building sa Makati City.

Noong una, inakala ng mga nagtatrabaho sa lugar na nagtatangkang tumalon ang lalaki.


Sa pagtaya ng mga nakasaksi, nagawang akyatin ni Robert ang 43 palapag na gusali sa loob lang ng kalahating oras nang walang suot na anumang safety gear at climbing equipment.

Bagama’t ligtas na nakaakyat at nakababa ng gusali, inaresto naman siya ng mga tauhan ng Makati City Police dahil sa kawalan ng permit.

Si Robert ay ilang beses na ring naaresto dahil sa pag-akyat niya sa mga gusali kabilang na ang Eiffel Tower sa Paris, France; Sydney Opera House sa Australia; Petronas Twin Towers sa Kuala Lumpur, Malaysia; Empire State Building sa New York; at ang pinakamataas na gusali sa buong mundo – ang Burj Khalifa na matatagpuan sa Dubai.

Facebook Comments