Tinaguriang Generals’ pork, bubusisiin sa susunod na budget hearing

Bubusisiin ng husto ng Makabayan sa Kamara ang P16.24-billion pondo ng Barangay Development Program (BDP) sa ilalim ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

Nababahala si Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate na posibleng magamit ang pondong ito sa pangangampanya ng mga kandidatong dala ng ahensya.

“We know that it is already election time and these funds are prone to be used to campaign for the candidates of the NTF-ELCAC. We will go through this budget with a fine tooth comb especially during ,the next budget deliberations,” sabi ni Zarate.


Dahil dito, tiniyak ni Zarate na sa susunod na budget deliberations para sa 2022 ay susuriing mabuti ang sinasabing generals’ pork.

“Mabagal ang pag-release sa mga pondo ng Bayanihan 2 pero itong  Generals’ pork barrel mukha talagang minadali ang pagre- release nito. Bullet-speed ang bilis lalo na ng marinig nilang sisilipin o haharangin ang pondo,” sambit ng mambabatas.

Puna ni Zarate, mabagal ang paglalabas ng pondo ng Bayanihan 2 pero pagdating sa generals’ pork barrel ay tila bullet-speed ang bilis ng release ng funds.

“Pero kung titignan naman ay hindi naman ang mga pangunahing pangangailangan ng mga nasa kanayunan ang pinaglaanan ng pondo kundi yung mga proyekto na kilalang malaki ang kickack o tongpats tulad ng mga farm to market roads. Barya lang ang binigay sa mga pangangailangan,” anang mambabatas.

Kung tutuusin aniya, hindi naman sa pangunahing pangangailangan ng mga kanayunan napupunta ang budget kundi napupunta ito sa mga proyektong may malalaking kickback tulad ng mga “farm-to-market roads”.

Batay sa Department of the Interior and Local Government (DILG), P11.611 billion ay nakalaan sa 926 farm-to-market roads; P2.38 billion para sa 516 water and sanitation projects; P491 million sa 156 health stations; at P569 million na pondo naman sa 135 school buildings.

Facebook Comments