Tinaguriang hepa lane sa University Belt, ipinasasara na

Manila, Philippines – Ipinasasara na ng lokal na pamahalaan ng Maynila ang mga tindahan ng pagkain sa binansagang ‘hepa lane’ sa may ‘University Belt’.

Ayon kay Manila Sanitation Division Chief Boyet San Gabriel, nakita nila sa kanilang isinagawang sorpresang inspeksiyon ang kalagayan ng mga tindahan ng pagkain sa kahabaan ng R. Papa mula sa Morayta.

Aniya, walang takip at nakatiwangwang ang mga ibinibentang pagkain sa lugar.


Pinuna rin nila ang ilang nakasando tindera at ang de garapon lang na lalagyan ng tubig.

Sa gilid lang din aniya ng kalye isinasagawa ang pagluluto ng pagkain at dumadaloy na rin sa bangketa ang mga sebo ng kanilang pinaglutuan.

Dapat rin aniyang sinisira ang mga disposable na kutsara, tinidor, baso at plato pagkatapos gamitin pero hindi ito nangyayari.

Inirekomenda na ng sanitation division na buwagin ang mga tindahan ng pagkain sa university belt na natuklasang walang mga business permit, sanitary permit at health certificate.

Facebook Comments