Tinaguriang ‘Recto Bank 22,’ binigyan ng tulong ni VP Robredo

Binigyan ng tulong ni Vice President Leni Robredo ang 22 mangingisdang Pinoy na nasagip mula sa banggaan sa Recto Bank.

Kinausap ni Robredo ang mga mangingisda at kinumusta ang kanilang kalagayan.

Dumiretso rin ang bise presidente sa bahay ng kapitan ng F/B Gem-Ver 1 na si Jonel Insigne.


Ikinatuwa naman ng mga mangingisda ang pagdalaw sa kanila ni Robredo.

Aabot sa 50,000 pesos na tulong pinansyal ang natanggap ng tinaguriang ‘Recto Bank 22’ mula kay Robredo.

Facebook Comments