Tinaguriang Top 6 Most Wanted Person, timbog sa Pasig City

Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ni Pasig City Chief of Police PCol. Celerino Sacro Jr., ang tinaguriang Top 6 Station Level Most Wanted Person makaraang magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban sa naturang akusado sa Pasig City.

Kinilala ang akusado na nakapiit na sa Custodial Facility ng Pasig City Police Station, na si AKA Jhonas, 18-anyos, residente ng Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Bitbit ang Warrant of Arrest na ipinalabas ni Hon. Jesus Angelito Huertas Jr., Presiding Judge ng Regional Trial Court Branch 261 ng Pasig City, agad na dinampot ang akusadong si Johnas sa kasong paglabag sa Section 5 Art. II ng R.A. No. 9165 in relation to Sec. 5 (A) ng R.A. No. 8369 na may kaukulang piyansa na o P200,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.


Inirekomenda naman ni PCol. Sacro ang kanyang mga tauhan na mabigyan ng pagkilala kasabay ng pagtiyak sa publikon a mananagot sa batas ang lahat ng mga wanted person na nagtatago sa batas.

Facebook Comments