Manila, Philippines – Umapila ang Lawyers for Commuters and Safety Protection (LCSP) sa operator na grab driver na nakabundol sa 8 anyos na batang lalaki kamakailan sa Doña Egea Street Barangay Pinagkaisahan, Quezon City.
Ayon kay Lawyers for Commuters and Safety Protection President Atty. Ariel Inton, na bagamat nadala sa pagamutan ang nasagasaan biktima na si John Gabriel Salgot 8 anyos pero hindi naman ito lumutang sa Station 10 ng QCPD at tinakbuhan ang kanyang pananagutan.
Paliwanag ni Atty. Inton dapat lumutang na si Chraig Louise Olasco 20 anyos na may dala ng Toyota Vios kulay puti na may plakang VF 2235 na sumagasa kay John Gabriel sa Doña Egea Street Barangay Pinagkaisahan sa QC kung saan matapos na pina-blotter sa barangay ang nangyaring aksidente ay hindi na nagpakita at hindi na nakipag-coordinate sa mga kamag anak ng biktima para panagutan ang kanyang nagawang pagbundol sa bata.
Giit ni Atty. Inton si Chraig Louise Olasco ay 20 anyos lamang pero professional driver license na ang hawak nito pero hindi akma umano ang pagiging professional nito dahil hindi nakukunsidera ang skills nito bilang professional at mistulang employment purposes lamang ang pagiging professional nito.
Umapila ang Lawyers for Commuters and Safety Protection sa LTO na higpitan ang pagbibigay ng mga professional driver’s license upang huwag mangyari muli na makabundol ng bata ang mga driver na mayroong professional drivers pero hindi maingat sa pagmamaneho sa lansangan.