Tinalo ng Norway, kampanya ng Filipinas sa FIFA Women’s World Cup ’23 natapos na

Natapos na ang makasaysayang kampanya ng Philippine National Women’s Football Team sa FIFA Women’s World Cup 2023.

Nabigo ang team Filipinas na makausad sa round-of-16 matapos silang talunin ng Norway sa score na 6-0.

Sa pagsisimula ng laro ay mataas pa ang enerhiya at kumpiyansa ng Filipinas kasunod ng pagkapanalo kontra New Zealand pero agad itong nawala matapos maka-goal si Sophie Roman Haug sa unang anim na minuto ng game.


Muling naka-iskor si Roman Haug sa ika-17 minuto at dinagdagan pa nina Caroline Graham Hansen, Alicia Barker, at Guro Reiten.

Dahil sa kanilang panalo, pasok na sa round-of-16 ang Norway kasama ng Switzerland.

Sa kabila ng pagkatalo, buhos naman ang suporta ng mga Pinoy sa team Filipinas maging dito sa bansa.

Facebook Comments