TINAMAAN NG MONKEYPOX SA SANTIAGO, PATULOY NA INOOBSERBAHAN

CAUAYAN CITY- Nananatiling naka-isolate ang isang (1) indibidwal na tinamaan ng monkeypox sa Lungsod ng Santiago.

Base sa anunsyo ni City Mayor Sheena Tan, ang pasyente ay patuloy na binibigyan ng atensiyong medikal at nakumpirmang walang nahawaan sa mga nakasalamuha nito.

Kaugnay nito, pinapaalalahanan ng City Health Office lahat ng mamamayan ng Santiago na iwasang magkaroon ng physical contact sa sinumang indibidwal na nagpapakita ng sintomas katulad ng rashes o skin lesions.


Bukod dito, panatilihin din umanong malinis ang katawan at makipag-ugnayan sa kinauukulan kapag nagsasagawa ng contact tracing.

Facebook Comments