TINAMBANGAN | 15-anyos na binatilyo, sawi sa pamamaril

Caloocan City – Walang awang pinatay ng mga hindi nakilalang suspek ang isang 15-anyos na binatilyo sa Caloocan City.

Nakilala lamang ang biktima sa alyas na si ‘Anthony’ kung saan nadiskubre ang duguang katawan nito sa kahabaan ng Lanzones Street.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala sa ulo at kanang palad.


Narekober naman ng mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) sa crime scene ang pitong basyo ng bala.

Nabatid na kilalang pasaway ang biktima sa kanilang lugar pero wala daw itong record ng pagnanakaw at hindi daw nasasangkot sa iligal na droga.

Facebook Comments