TINAMBANGAN | Assistant City Prosecutor Rogelio Velasco, patay sa ambush sa Quezon City

Manila, Philippines – Patay matapos ambushin kahapon si Assistant City Prosecutor Rogelio Velasco sa Holy Spirit Drive, Don Antonio Heights, Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Nabatid na kasama ni Velasco ang anak nitong babae na si Vanessa nang tambangan ang sasakyan sa gitna nitong Holy Spirit Drive na isang busy street mag-aalasingko ng hapon.

Naisugod pa sa East Avenue Medical Center ang prosecutor pero binawian din ng buhay bandang alas-6:07 kagabi.


Patuloy na nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para tukuyin ang motibo ng krimen at ang mga suspek sa likod nito.

Facebook Comments