Koronadal City – Patay ang isang babae matapos na pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay GPS, Koronadal City.
Nakilala ang nasawi na si April Joy Jaballa.
Sa imbestigasyon, hinarang at pinagbabaril ng mga suspek si Jaballa habang papunta ito sa coffee shop na kanyang pinapasukan.
Emosyonal na nanawagan ng hustisya ang live-in partner nitong si Jason Araquil lalo na at malapit na silang ikasal.
Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Koronadal City PNP para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek at motibo sa krimen.
Facebook Comments