TINAMBANGAN | Dating brgy kagawad, sawi matapos barilin sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang dating kagawad matapos na pagbabarilin sa tapat ng barangay hall ng Barangay 314, Zone-31, Sta. Cruz, Maynila.

Nakilala ang nasawi na si Julio Turla na ngayon ay secretary ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, nakatayo lamang sa tapat ng barangay hall ang biktima nang lapitan ng suspek na nakamotorsiklo saka siya pinagbabaril.


Mabilis na tumakas ang suspek kung saan inaalam na ng pulisya kung ano ang motibo na pamamaril sa nasabing insidente.

Facebook Comments