TINAMBANGAN | Dating brgy tanod pinagbabaril sa Parañaque

Parañaque City – Patay ang isang dating barangay tanod makaraang pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Parañaque City.

Kinilala ang biktima na si Jose Sagani Biona ng Barangay Baclaran Parañaque City.

Sa initial na imbestigasyon, nasa gilid lang ng kalsada si Biona ng hintuan ng riding in tandem criminals.


Dito na siya pinagbabaril at tinamaan ng bala sa ulo, dibdib at tiyan.

Hindi nakilala ang mga gunman dahil nakasuot ng facemask at walang plaka ang dalang motorsiklo.

Sinasabing nasangkot sa bawal na gamot ang dating barangay tanod.

Gayunman inaalam pa ang tunay na dahilan sa pagpatay.

Facebook Comments