TINAMBANGAN | Dating jail guard na sangkot sa iligal na droga, patay sa riding in tandem

Patay ang isang dating jail guard ng Negros Oriental Detention and Rehabilitation Center (NODRC) matapos pagbabarilin ng riding in tandem.

Sa ulat, tinambangan ang biktimang si Artemio Zerna habang sakay ito ng kaniyang kotse sa bagong tulay sa Barangay Tabuc-Tubig sa nasabing syudad.

Nagawa pang masugod sa ospital ang biktima pero namatay din ito habang ginagamot.


Hinala ng pulisya na ang motibo sa pagpatay ang involvement nito sa kalakaran ng iligal na droga noong siya ay aktibong jail guard kung sana protektor ito ng apat na inmates na pawang mga drug pushers.

Facebook Comments