TINAMBANGAN | Deputy ng presinto, patay sa pamamaril sa Pasay

93

Pasay City – Patay ang isang deputy commander ng presinto matapos pagbabarilin sa Andrews Avenue, Barangay 910, Pasay City.

Kinilala ang biktima na si Police Inspector Allan Ortega, Deputy Commander ng Police Community Precinct (PCP) Four sa Libertad na nagtamo ng apat na tama ng bala ng baril sa kaliwang bahagi ng kaniyang mukha.

Ayon kay Senior Superintendent Noel Flores, hepe ng Pasay Police, sakay noong ng kaniyang owner type jeep ang biktima ng pagbabarilin ng suspek.

Naitakbo pa aniya ang biktima sa San Juan De Dios Hospital pero idineklara itong dead on arrival.

Inaalam na ng mga otoridad ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito sa pamamaril.

Facebook Comments