TINAMBANGAN | Isang sundalo, patay matapos pagbabarilin sa Basilan

Basilan – Patay ang isang sundalo matapos tambangan sa Sitio Kapayawan, Barangay Baguindan, Tipo-Tipo, Basilan.

Nakilala ang biktima na si Sgt. Moh Alam na miyembro ng 18th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army.

Sa ulat, nakasakay sa kanyang motorsiklo si Alam nang pagbabarilin ng hindi pa natukoy na suspek kung saan dead on the spot ang biktima.


Nabatid na kagagaling lamang ng biktima sa pangangalap ng mga impormasyon bilang intel officer at pabalik na sa kanilang kampo nang mangyari ang insidente.

Patuloy ang follow-up operation ng mga pulis kamasa ang militar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments