Caloocan City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa Phase 3, Barangay 176, Bagong Silang, North Caloocan City.
Kinilala ang biktima na si Roy Vallente, isang construction worker.
Sa ulat, bibili lang ng kape si Vallente sa tindahan malapit sa kanilang bahay ng pagbabarilin ng mga suspek.
Nakita na lamang nga pamilya na duguang nakabulagta si Vallente sa tapat ng kanilang bahay.
Nabatid na mabait at walang kaaway ang biktima pero aminado ang kaanak nito na dati siyang nasangkot sa iligal na droga.
Facebook Comments