TINAMBANGAN | OFW, patay sa pamamaril sa Davao Oriental

Manila, Philippines – Dead on arrival ang OFW na si Junifer Paredes matapos mabaril sa Dahican Village sa Mati, Davao Oriental.

Pauwi na si Paderes sa kanilang bahay sa isang subdivision sa Dahican nang siya ay tambangan ng dalawang suspek na naka-motor.

Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo mula sa kalibre kwarenta’y cinco.


Sumasailalim pa sa imbestigasyon ang pangyayari para matukoy ang mga suspek sa pamamaril.

Facebook Comments