TINAMBANGAN | Police officer, patay matapos pagbabarilin sa Isabela City, Basilan

Isabela City, Basilan – Dead on the spot ang isang police officer matapos na pagbabarilin nang hindi pa nakikilalang suspek sa Rizal Avenue, Barangay Aguada, Isabela City, Basilan kaninang madaling araw.

Kinilala ang nasawing police officer na si Police Senior Inspector Aristoedes Nas Marinda, may asawa, residente ng Quiapo, Maynila.

Miyembro rin ito ng Task Force Basilan.


Ayon kay PNP ARMM Spokesperson Police Senior Inspector Jemar Delos Santos, alas-5:35 ng umaga kanina habang nagjo-jogging si Marinda sa kahabaan ng Rizal Avenue sa Isabela City na kanyang araw araw na ginagawa.

Biglang sumulpot ang isang lalaki na hindi pa nakilala at pinagbabaril ang biktima.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang isang empty shell ng kalibre 45 baril.

Sa ngayon nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya upang matukoy ang salarin at motibo sa pamamaslang sa police officer.

Facebook Comments