TINAMBANGAN | Pulis, patay sa pamamaril sa Negros Oriental

Negros Oriental – Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin sa tapat ng kanilang istasyon sa Guihulngan City, Negros Oriental.

Kinilala ang biktima na si Senior Inspector Porferio Gabuya, deputy chief ng Guihulngan Police.

Nagkape lang noon sa labas ng kanilang istasyon si Gabuya nang pagbabarilin ng mga naka-motorsiklong suspek.


Hinala ng pulisya, mga miyembro ng New People’s Army (NPA) ang pumatay sa kanilang opisyal.

Dati na umano kasing nakakatanggap ng pagbabanta mula sa NPA ang kanilang hanay.

Mababatid na kabilang ang Negros Oriental sa mga lugar na saklaw ng Memorandum Order 28 ni Pangulong Rodrigo Duterte na nag-uutos na dagdagan ang pwersa ng mga sundalo at pulis para masugpo ang karahasan.

Facebook Comments