Manila, Philippines – Patay ang isang retiradong pulis matapos na tambangan sa lungsod ng Maynila.
Nakilala ang biktima na si retired Police Superintendent Roberto Palisoc.
Sa inisyal na imbestigasyon, pinagbabaril ng riding in tandem ang biktima sa may A. Linao Street kanto ng San Andres Street sa Malate kung saan kinuha pa ng mga suspek ang baril nito.
Nagawa pang isugod si Palisoc sa ospital pero idineklara siyang dead on arrival.
Nadamay naman ang dalawang kapitbahay ni Palisoc sa panananambang na kapwa ginagamot ngayon sa magkahiwalay na ospital.
Inaalam na ng pulisya kung may CCTV camera sa pinangyarihan ng krimen habang hindi naman isinasantabi ang posibilidad na may kinalaman ito sa dating trabaho ng biktima bilang police official.
Facebook Comments