TINAMBANGAN | Suspek sa pagpatay sa barangay kagawad sa Isabela, patuloy na inaalam

Isabela – Patuloy na inaalam ng pulisya ang suspek sa likod ng pagpatay sa isang barangay kagawad ng Barangay Gangalan, San Mariano, Isabela.

Sa ulat, binaril ang biktimang si kagawad Mario Pascua habang katabi ang misis kung saan pauwi na sana sila sa kanilang bahay.

Nabatid kasi na galing piyesta ang mag-asawa at nang bumibiyahe pauwi ay hinarang sila ng suspek saka binaril ng ilang beses ang kagawad.


Blangko naman ang pamilya sa motibo sa pagpatay sa barangay kagawad lalo na at hindi ito nai-involve sa iligal na gawain.

Facebook Comments