TINAMBANGAN | Tauhan ng BuCor, patay sa pamamaril

Muntinlupa City – Patay ang isang tauhan ng Bureau of Correction (BuCor) matapos tambangan ng mga suspek na sakay ng motorsiklo sa Muntinlupa City.

Kinilala ang biktima na si Nemensio San Gabriel, BuCor Inspector, 55-anyos at nakatira sa Sitio San Antonio Barangay Poblacion ng lungsod.

Ayon sa isang testigo, nakita niya ang dalawang suspek na sakay ng motorsiklo at tumambay sa isang car wash sa lugar.


Pinag-aaralan na ng mga pulis ang CCTV sa car wash para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments