Cavite – Patay sa ambush si Trece Martires, Cavite Vice Mayor Alex Lubigan.
Pinagbabaril si Lubigan habang nasa loob ito ng kanyang Toyota Hilux (YV4077) at naganap sa harap ng Korean hospital sa Barangay Luciano.
Sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na ang 44-anyos na Bise Alkalde nang tambangan ang kanyang sasakyan.
Ang driver at aide ni Lubigan na si Romulo Guillemer na unang naiulat na sugatan sa insidente ay binawian na ng buhay habang ginagamot.
Inaalam pa ang motibo sa insidente at pagkakakilanlan ng mga suspek.
Si Lubigan ang ikatlong lokal na opisyal na napatay nitong linggo matapos ang pagkakapaslang kina Tanauan, Batangas Mayor Antionio Halili at General Tinio, Nueva Ecija Mayor Ferdinand Bote.
Facebook Comments