TINAMBANGAN | Tricycle driver, sawi sa pamamaril

13

Manila, Philippines – Patay ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa Delpan Bridge, Tondo lungsod ng Maynila.

Kinilala ang biktima na si Pacista Tomas, tricycle driver sa lugar.

Ayon sa Manila Police District (MPD), inaalam pa nila ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito sa pagpatay sa biktima.

Itinuturo naman ng pinsan ng biktima na kapwa nila tricycle driver ang nasa likod ng pamamaril na kanilang nakasagutan noong Miyerkules ng gabi nang maharanan nila ito sa kalsada.

Facebook Comments