TINAMBANGAN | Vendor, patay sa pamamaril sa QC

Quezon City – Dead on the spot isang vendor matapos pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Tatalon, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Marcelino Mariano Mata alyas Gian, isang vendor ng pares at mami at nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa ulo.

Nakikipag-inuman noon ang biktima sa Caliraya Street ng lapitan ng naka-helmet na suspek at pagbabarilin ito sa ulo.


Pinagtataka naman ng mga residente sa lugar kung bakit pinatay ang biktima na inilarawan nilang mabait at palakaibigan.

Inaalam na ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek maging ang motibo nito sa pagpaslang sa biktima.

Facebook Comments