Wednesday, February 18, 2026

TINANGAY NA MOTOR SA DAGUPAN, NAREKOBER SA BARANGAY MAMALINGLING; SUSPEK, ARESTADO

Mabilis na naaresto ang isang 37-anyos na lalaki matapos matangay ang isang motorsiklo sa Barangay Tambac, Dagupan City noong Pebrero 17, 2026.

Ayon sa imbestigasyon, bandang alas-3:30 ng hapon nang iparada ng biktima, na kinilala bilang isang businessman, ang kanyang itim na motor na may “kolong-kolong” sa harap ng kanyang sari-sari store nang walang bantay.

Makalipas ang isang oras, nadiskubre ng biktima na nawawala na ang kanyang motorsiklo at agad na iniulat sa Police Station 3 ng Dagupan City Police Office (DCPO).

Sa isinagawang follow-up operation, namataan ng mga rumespondeng pulis ang suspek na minamaneho ang naturang motorsiklo sa Barangay Mamalingling.

Matapos ang positibong pagkakakilanlan ng biktima, inaresto ang suspek na kinilala bilang isang driver at kasalukuyang nakatira sa San Fabian, Pangasinan.

Dinala muna ng suspek sa ospital para sa medical na pagsusuri bago dinala sa kustodiya ng DCPO para sa kaukulang disposisyon.

Nabawi naman ang ninakaw na motorsiklo at dinala sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon at karagdagang imbestigasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments