TINANGGAL | 10 pulis na kinasuhan dahil sa kidnapping at robbery sa Bulacan, sinibak na sa pwesto ni PNP Chief Albayalde

Bulacan – Sinibak na sa pwesto ang sampung pulis na kinasuhan ng kidnapping at robbery sa San Rafael Bulacan

Iniutos mismo ni PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang pagsibak sa mga ito.

Kinilala ang mga pulis na sina


1. PSI WILFREDO DIZON JR;
2. SPO4 Gary Santos;
3. SPO2 Christopher Aragon;
4. SPO1 Dante Castillo;
5. SPO1 Jophey Cucal;
6. SPO1 Rolando Ignacio Jr;
7. PO3 Dennis De Vera;
8. PO2 Rosauro Enrile;
9. PO2 Nicanor Bautista; and
10. PO2 Chester Say-eo.

Ang mga ito ay nakatalaga sa San Rafael Municipal Police Station sa lalawigan ng Bulacan.

Inaresto at kinasuhan ang mga ito matapos na ituro ng mga nagrereklamo.

Batay sa reklamo inaresto sya ng sampung pulis noong May 19, 2018 sa hindi matukoy na paglabag.

Para mapalaya humihingi ang mga pulis ng 500,000 piso pero sa halip magbigay ay nagsumbong sya sa PNP.

Bukod sa pagsibak sa pwesto iniutos rin ni Albayalde na ipatapon ang sampung pulis sa mga lugar sa bansa na kulang ang bilang ng pulis.

Facebook Comments