TINANGGAL | 7 pulis sa EPD – sinibak sa serbisyo

Manila, Philippines – Pitong pulis sa Eastern Police District ang sinibak sa serbisyo ni EPD Acting Director C/ Supt. Alfredo Corpus.

Kabilang rito si PCP Commander Sr/ Supt. Angelberg dumaguing sa Greenhills, San Juan.

Bukod sa pamababalewala nito sa tawag ni Corpus, nadismaya rin siya sa magulo at maruming presinto nito.


Sinibak na rin sa serbisyo ang anim na Pasig-pulis kabilang ang apat na nahuling natutulog habang naka-duty.

Nakataas ang paa at naghihilik pa nang madathnan sina SPO1 Ricardo Allapitan, SPO1 Rustom Valdez, PO3 Higino Dancel at PO2 Apolo Labrador na nakatalaga sa Pasig CPS investigation section and traffic section.

habang wala sa kanilang puwesto sina PO2 Danilo Damasco at PO2 Patrick Baldemor.

Pahaharapin din sila sa kasong administratibo.

Facebook Comments