Tinanggal na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang anggulong maaring CAFGU ang pumatay sa siyam na magsasaka sa Sagay City Negros Occidental.
Ayon kay AFP Chief of staff general Carlito Galvez Jr, nang magsagawa sila ng inspection all accounted ang mga baril ng mga CAFGU na nakatalaga sa kampo.
Limang kilometro rin daw ang layo ng kampo sa Hacienda Nene kaya malabong gawa ito ng mga CAFGU.
Bukod rito may nakausap na rin silang mga testigo na magpapatunay na walang kinalaman ang CAFGU sa krimen.
Sa ngayon, aniya matimbang pa rin ang anggulong kagagawan ng CPP NPA ang nangyaring pamamaril.
Habang hindi pa rin inalis ng AFP ang mga anggulong kagagawan ng may ri ng hacienda ang pagpatay sa mga ito gamit ang goons at maaring mga iba pang claimants sa lupain ang pumatay sa mga magsasaka.
Sa ngayon, aniya nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon, katuwang ang Philippine national police at National bureau of investigation para matukoy ang mga totoong pumatay sa mga magsasaka.