Manila, Philippines – Tinanggal na sa posisyon si Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang matapos nitong ilabas ang umano ay mga bank transactions ni President Rodrigo Duterte at ng pamilya nito.
Ito ang kinumpirma ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go.
Batay sa inilabas na desisyon ng tanggapan ng Pangulo ay nakitaan si Carandang ng paglabag sa graft and corruption and betrayal of public trust.
Hindi naman kinasuhan ng OP si Deputy Ombudsman for Mindanao Rodolfo Elman at iba pang miyembro ng Office of the Ombudsman’s field investigation unit dahil sa kawalan ng matibay na ebidensiya.
Ang pagkakasibak kay Carandang ay base sa isinampang reklamo ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) matapos nitong isapubliko ang umano ay milyones na mga bank transactions ng Pamilya Duterte.