TINANGGAL | DOTr Sec. Mark Tolentino, sinibak sa pwesto

Manila, Philippines – Inanunsyo ngayon ni Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque na sinibak na sa pwesto si Transportation Assistant Secretary Mark Tolentino dahil sa pakikipagusap sa isa sa mga kapatid ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Roque, seryoso ang Pangulo sa mandato nito noon na huwag makipagusap sa kahit sino man sa kaniyang pamilya kaugnay sa kahit ano mang government project.

Hindi na idinitalye ni Roque ang naging deal sa pagitan ng presidential sister at ni Tolentino.


Aniya, marami na raw naririnig ang pangulo noon pa man tungkol kay Tolentino, ngunit ang naging dahilan ng immediate na pagsibak dito ay ang naging pakikipagusap nito sa kaniyang kapatid.

Giit ni Roque, magsilbi sana itong aral sa iba pang opisyal ng gobyerno na hindi nagbibiro ang pangulo sa mandato nitong huwag makipagusap sa kahit sino man sa kaniyang pamilya.

Facebook Comments