TINANGGAL | Facebook account ni Robin Padilla, kinansela

2078

Manila, Philippines – Ikinagulat ngayon ng aktor na si Robin Padilla ang pagkakatanggal ng kaniyang account sa facebook.

Ayon kay Robin, masyado raw siyang maingay kaya tinanggal ang kanyang FB account kung saan hindi niya alam kung kailan ito kinansela ng administrator.

Sinabi pa ng aktor na posibleng may nag-report sa kaniya sa facebook dahil sa kaniyang ginagawa.

Pero depensa naman ni Robin na para sa bayan ang kaniyang mga pinagsasabi at walang personal na atake sa nasabing senador.

Matatandaan na naging maingay ang aktor sa FB live habang nasa labas ng Senado at inaantay daw umano niyang lumabas si Trillanes para harapin ang kaso nito.

Facebook Comments