TINANGGAL | Isang kagawad sa Iligan na sangkot sa narco list, tinanggal na sa line-up ng kanyang mga kasamahan

Iligan City – Tinanggal na sa kanilang line-up ang isang kagawad sa lungsod ng Iligan na kasali sa listahan ng narcolist sa PDEA.

Kinumpirma mismo ng kanyang punong barangay na si Anthony Pacaña ang pagtanggal niya sa kanilang line-up ni kagawad Jeffrey Rebleza.

Sapagkat ayon kay Pacaña mahirap isama sa kanyang grupo ang napangalanan ng PDEA na sangkot sa illegal na droga.


Pero, sinabi ni Pacaña na bago niya tinanggal sa kanilang line-up ang dating kasama ay sinabihan niya muna at ipinaliwanag niya ang dahilan.

Naintindihan naman ni kagawad Rebleza ang desisyon ng kanyang mga kasamahan dahil ayon sa kanya at posibleng kabayaran na ang mga nangyari sa kanyang kalokohan noon.

Magsasarili o magiging independent nalang si Rebleza na patuloy sa pangangampanya nitong darating na campaign period para sa SK at Barangay Election.

Facebook Comments