TINANGGAL | War on drugs mobile game, tinanggal ng Apple Store; PNP Chief, hindi apektado

Manila, Philippines – Ipinagkibit-balikat lang ni PNP Chief Dela Rosa ang pagkakatanggal sa Apple Store ng mga mobile application na may temang war on drugs ng Duterte Administration.

Ayon kay Bato, wala naman siyang kinalaman sa mga tinanggal na mobile app dahil hindi naman siya ang gumawa ng mga ito at hindi rin siya kumikita ditto.

Pero kapansin-pansin aniya na sa dami ng bayolenteng mobile game app sa Apple Store, ang may temang war on drugs lang ang ipinatanggal ng isang grupo sa Apple.


Kabilang sa mga tinanggal na laro sa Apple Store ang ‘Duterte knows Kung Fu: Pinoy Crime Fighter’ at ‘Tsip Bato: Ang Bumangga Giba!’ kung saan makikita ang mga character nina Bato at Duterte na pumapatay ng mga kriminal.

Facebook Comments