
Manila, Philippines – Aabot na halos 200 Local Chief Executives ang tinanggalan ng police supervisory powers mula nang manungkulan si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Dept. of Interior and Local Government (DILG) acting Sec. Eduardo Año – Tinanggalan ang mga ito ng police powers dahil sa pagkakasangkot sa illegal drug trade, kabiguang matigil ang terorismo o nagbigay ng suporta sa mga terrorist groups.
Mula sa 186 Local Chief Executives, walo ay gobernador at 178 ay City o Municipal Mayors.
Bukod dito, nasa 156 local officials ang sinuspinde o na-dismiss dahil sa grave misconduct, serious dishonesty, neglect of duty, abuse of authority at iba pang iregularidad.
Nasa 16 na local officials ang kakasuhan dahil sa kabiguang ayusin at patatagin ang kanilang barangay anti-drug abuse councils.









