TINANGGALAN | Peter Go Lim, inalisan na ng DOJ ng karapatan na makapaghain ng kontra salaysay sa kanyang drug case

Manila, Philippines – Tuluyan nang inalisan ng DOJ panel ng karapatan na makapaghain ng kontra salaysay sa kanyang drug case si Peter Go Lim.

Ito ay matapos na hindi muli magpakita sa pagdinig si Lim at mabigo itong maghain ng counter affidavit.

Bunga nito, submitted for resolution na ang kaso ni Lim.


Sa June 22 naman itinakda ng panel ang pagsusumite ng Office of the Solicitor General ng sagot sa counter affidavit nina Kerwin Espinosa, Peter Co at iba pang respondents.

Kapwa naman present sa pagdinig sina Kerwin Espinosa at Peter Co.

Facebook Comments