Manila, Philippines – Tinanggap ni Agriculture Sec. Manny Piñol ang hamon ng mga kritiko na kumain ng ‘bukbuking’ bigas.
Ito ay para patunayan na ligtas na ikonsumo ang mga inangkat na bigas kahit mayroon itong presensya ng peste.
Sa isang facebook video post, makikita si Piñol na kumakain ng bukbok-infested rice at galunggong.
Una nang itinanggi ng National Food Authority (NFA) na nagbebenta sila ng bukbok-infested rice sa merkado.
Iginiit ng NFA na ligtas kainin ang mga imported rice dahil isinailalim na ito sa fumigation.
Facebook Comments