TINANGGAP | Gobyerno ng Pilipinas, ikinagalak ang pagkilala ng Estados Unidos sa mga hakbang nito laban sa human trafficking

Manila, Philippines – Malugod na tinanggap ng gobyerno ng Pilipinas ang bagong trafficking in persons report na inilabas ng U.S. State Department.

Base sa report, nasungkit muli ng Pilipinas sa ikatlong pagkakataon ang tier 1 status, isang pagkilala sa kampanya at pagsisikap ng gobyerno laban sa human trafficking.

Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano – patunay lamang ito na tama at epektibo ang ginagawa ng Duterte Administration para masugpo ang human trafficking sa bansa.


Dagdag pa ng kalihim – determinado ngayon ang gobyerno sa pagbibigay proteksyon sa mga maaaring maging biktima ng human trafficking at panagutin ang mga nasasangkot dito.

Tiniyak ng gobyerno na ipagpapatuloy nito ang pagbibigay ng pinakamataas na prayoridad sa mga hakbang para labanan ang trafficking in persons sa pakikipag-ugnayan sa Estados Unidos at sa buong international community.

Facebook Comments