TINANGGAP | Speaker Alvarez, tanggap na ang pagsibak sa kanya

Manila, Philippines – Hinikayat na ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez ang lahat na mag-move on na sa mga naganap na pagbabago sa liderato ng Kamara kasunod ng pagkakahirang kay Pampanga Rep. Gloria Arroyo na House Speaker.

Ito ay matapos tanggapin ni Alvarez na tanggal na siya bilang pinakamataas na lider ng Kamara.

Sa statement na inilabas ni Alvarez, former House Speaker na ang titulo nito.


Panawagan ni Alvarez sa mga kasamang mambabatas, alang-alang sa bayan ay magbalik na sila sa trabaho at magmove on na.

Wala na rin aniyang magagawa pa para maibalik ang nakaraan pero may magagawa pa para ayusin ang kinabukasan.

Mababatid na kaninang umaga ay nagusap na sina GMA at Alvarez kung saan napag-usapan ang pagpapalitan nila ng opisina.

Facebook Comments